January 21, 2012 | 10:49 AM

Ako yung taong madaldal ng sobra kapag komportable ako sayo o kaya naman matagal na kitang kilala. Pero bakit ganun? Matagal ko nanaman siyang kilala pero pag dalawa na lang kami at mag-katabi walang lumalabas. Alam mo yung speechless ka lagi pag katabi mo siya. Ewan ko nga e.

Pero pag andiyan naman yung ibang tropa, nadadaldal ko siya kasi maramihan. Hindi ako ganun sa iba kasi nakakasurvive ako sa kakakwento lang. Nakakadaldal ako ng sobra sobra sa iba pero pag sa kanya hindi.

Mag-katabi talaga kami dahil yun ang sitting arrangement sa room.Dalawa lang kami talaga sa may gitna. Tapos may katabi din akong isa sa left side, tapos sa likod. Yung mga taong yun ay lumilipat lang talaga sa tabi namin. Haha. Tapos kahapon, parang na-feel kong naiinis na siya na parang na-e-ewan. Guilty ako. Kulong niyo na ako. Choos.

Feeling ko kasi parang ang unfurr ko sa kanya. Lagi yung dalawang yun nadadaldal ko. Kasi sobrang komportable ako duon. Lahat napag-kukwentuhan. Pero pag wala na silang dalawa, tapos kami again dalawa. Wala tahimik ako. Feeling niya siguro ayoko siyang kadaldalan. Nag ma-make face kasi siya kahapon habang dumadaldal ako. Siguro iniisip nun, pag sa kanya tahimik ako pag sa iba ang daldal ko.

BUHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY! Anobe.



POST DETAILS:
Posted on January/21/2012
Tagged as: kwento, magulo,
Originally Posted by: batobatobatopik

POST NOTES:


Theme by: KAWAIISECRETS. Powered by: Tumblr.