January 21, 2012 | 11:06 AM
Hindi ako nakapasa UPCAT.

Nagulat ako ng makita ko ang results ng UPCAT. Sabi kasi nila February pa daw i-rerelease. Yun pala sinabayan nila ang UST. Nag titingin tingin kasi ako ng mga results sa UST kahit hindi naman ako nag-take ng exam dun. Wala lang nakikibalita lang. Pero epic fail ako kasi kailangan pala ng applicant no. para matignan.

Tapos tumingin din ako duon sa UP nagbabaka sakali lang naman. ABAA! Ang pagbabakasakali ko ay may napuntahan. Haha. Hindi rin naman ako pasado. Una kong tinignan ang pangalan ni Sammy - siya yung Top 1 sa buong batch namin. Nung wala akong nakitang pangalan niya. Hindi na ako nag-expect. Sinabi ko sa sarili ko “Wala pangalan ni Sammy? K. Bagsak ako.” Haha. Ganyan ako ka-positive. Ok lang sakin basta may experience ako na naka-take ng UPCAT. Pero tinignan ko rin naman, e wala nga e. HAHAHAHAHAHAHAHA! Sure na naman ako sa DLSU-HSI pasado na ako dun noong September pa.

Sa school namin isa lang ang nakapasa, and guess what! Transferee pa. Kung hindi siguro lumipat yun ay wala na naman ang school na nakapasa sa UPCAT.



POST DETAILS:
Posted on January/21/2012
Tagged as: late post, kwento,
Originally Posted by: batobatobatopik

POST NOTES:


Theme by: KAWAIISECRETS. Powered by: Tumblr.