January 21, 2012 | 9:46 PM
Praktis daw?

May plano kasi kahapon na mag-pa-practice ng swing para sa practical test sa MAPEH. Kaya as usual, dito nanaman sila sa bahay. Nung umaga, di ko pa feel. Tinatamad pa akong maligo kasi nag-lalaro pa ako sa cellphone ko. Hanggang sa malapit na mag 1PM at sinipag ding maligo. Sapilitan pa kami ng konsyensya ko e. KATAMAD talaga. HAHAHAHAHA!

Tapos mga 1:30 dumating sila Raven at JD, nagulat ako kasi akala ko hindi pupunta si JD. Busy daw chuvanes. Tapos wala pa yung iba kaya gawa gawa ng thesis. Etc. Etc. Pinakain ko sila kasi gutom daw e. HAHA. Kabaet ko naman. Chooot! Mga 2:00 dumating sila Sarah at Kim (classmates ko din). Tapos yun pahinga daw muna habang kumakain. 2:30 wala paring nag-paparactice. DALDAL dito KWENTO duon ang trip namin. Kung sino sino ang napag-kwentuhan. HAHAHAHAHA! Tapos tinawagan namin si Ionna (bestfriend ko na hindi ko ka-group) para mas masaya. Mga 3:00 wala paring nag-paparactice.

Tapos sabi ko…

ME: Tara na practice na tayo, tapos mag-bibingo tayo after.
JD: Maya maya na lang. Bingo muna tayo. Pag dating na lang ni Ionna.

Pagkadating ni Ionna, sinimulan na naming mag-bingo. HAHAHA. Mga mukang ewan lang kami nun. Akala ko talaga mag-pa-practice na kami. Mga 3:15 kami nag-start tapos mga 4:30 na siguro yun natapos. ANG SAYAAA lungs. Hindi kasi namin alam kung paano mag-bingo kaya sinali ko yuung kapatid ko para tumngin kung may bingo ba. Sila Sarah at Kim ang humakot ng barya. HAHAHA! Di naman masama yun, piso tatlong card naman. Yung mga taong walang experience pa sa pag bibingo ang mga nanalo. Si Ionna, hindi pa nakaka-experince pero always TALO! :))

Mga 5:00 ng umuwi sila kasi may hinintay pakong idownload para dun sa sayaw namin. Sa tuesday na lang daw uli. Half-day lang naman kami nun kasi EXAM NANAMAN! -____-



POST DETAILS:
Posted on January/21/2012
Tagged as: kwento, buhay, bingo,
Originally Posted by: batobatobatopik

POST NOTES:


Theme by: KAWAIISECRETS. Powered by: Tumblr.